|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, namuno sa pagdiriwang ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal
PANGULONG AQUINO, NAMUNO SA PAGPAPARANGAL KAY DR. JOSE RIZAL. Sa Tarlac City itinaas ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang watawat ng Pilipinas kaninang umaga. Na sa larawan si AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista (kanan) sa seremonya kaninang umaga. Tema ng pagdiriwang ay "Rizal, Inspirasyon Noon, Ngayon at Bukas." (Benhur Arcayan/Malacanang Photo Bureau)
PINAMUNUAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paggunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Lungsod ng Tarlac.
Dumating si Pangulong Aquino bago nag ika-pito ng umaga sa Plazuela ng Tarlac upang itaas ang watawat ng Pilipinas.
Kasama niya sina Chairperson Ma. Serena Diokno ng National Historical Commission, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Emmanuel Bautista at Philippine National Police Director General Alan Purisima.
Dumalo rin si Tarlac Governor Victor Yap.
Ginawaran ng parusang kamatayan si Dr. Jose Rizal at binaril sa ngayo'y kilala sa pangalang Luneta noong ika-30 ng Disyembre, 1896. Idinaos din ang iba't ibang pagpaparangal kay Dr. Rizal sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |