![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Gobernador ng Albay, nababagalan sa Department of Transportation and Communication
MAY hinanakit si Gobernador Jose Sarte Salceda ng Albay sa Department of Transportation and Communication kasunod ng pagkabigong maibalik ang serbisyo ng tren sa pag-itan ng Maynila at Bicol Region, may higit sa 500 kilometro mula sa kapitolyo ng bansa.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ng gobernador na napakabagal ng pagpapatupad ng palatuntunan upang ayusin ang Daraga International Airport na nagkakahalaga ng P 2 bilyon samantalang walang katiyakan ang pagpapatakbong muli ng tren sa Kabikolan. Napakarami umanong salapi ng pamahalaan para sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
Kahit pa ilang ulit nang binanggit ni Pangulong Aquino ang paglalaan ng salapi sa General Appropriations Act, wala pang lumalabas sa kaban ng bayan para sa Bicol International Airport.
Ang mga isinumite umano ng Department of Transportation and Communication para sa Public-Private Partnership ay palaging pumapabor sa National Capital Region.
Nararapat lamang umanong tupdin ng DOTC ang mga kautusan ni Pangulong Aquino. Nararapat din umanong matiyak ang magandang uri ng mga pagawaing-bayan.
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Transport and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na depende sa kanilang kinuhang third party consultants ang pagpapatakbo ng tren sa Kabikolan.
Idinagdag ni Kalihim Abaya na kailangang magkaroon ng sertipikasyon mula sa third party assessor na ligtas nang magpatakbo ng tren sa mga riles at mga tulay na daraanan ng mga sasakyang matagal ng pinagtiwalaan ng mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |