|
||||||||
|
||
melo/20140120.m4a
|
HINDI natitinag ang Malacañang sa lumabas na survey ng Pulse Asia na 43% ng mga Pilipino ang naniniwalang mas hirap sila noong Disyembre 2013 kung ihahambing sa Disyembre 2012 sapagkat tuloy pa rin ang layunin nitong magkaroon ng inclusive growth.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nauunawaan nila ang nadarama ng mga mamamayan sapagkat nagkaroon ng serye ng mga kalamidad na tumama sa huling tatlong buwan ng 2013.
Sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na tulad ng pahayag ni Pangulong Aquino, magpapatuloy ang kanilang mga gawain.
Ito ang tugon niya sa mga tanong na may kinalaman sa Pulse Asia Survey na ginawa mula ika-walo haggang ika-15 ng Disyembre noong nakalipas na taon.
Sa survey, 43% ang nagsabing mas malubha ang kanilang nararanasan samantalang 41% naman ang nagsabing walang ipinagbago at may 15% ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |