Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inclusive growth, layunin pa rin ng Malacañang

(GMT+08:00) 2014-01-20 19:37:21       CRI

Sama ng panahon, nadarama pa sa Mindanao at Kabisayaan

BAGAMA'T ibinaba na ang lahat ng typhoon signals sa katimugang bahagi ng Pilipinas, nagsilikas pa rin ang mga biktima ng walang humpay na pag-ulan at pagbaha na kinatampukan din ng pagguho ng lupa. Marami ring biyahe ng eroplano ang hindi natuloy.

Isinailalim sa state of calamity ang Agusan del Norte ngayon. Kanselado ang mga eroplanong patungong Butuan City dahilan sa sama ng panahong dala ng tropical depression na si Agaton na may international code name Lingling.

Ayon sa Philippine Information Agency, pinakamataas na pagbaha ang naitala sa Butuan sa pagtaas ng tubig na 4.2 meters sa ilang bahagi ng Agusan River. Nagkaroon din ng forced evacuations sa Surigao del Sur.

Lumabas din sa iba't ibang media outlets na ang ilang pook na apektado ni "Yolanda" ay tinamaan din ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Libu-libong mga naninirahan sa mga tolda ang kinailangang ilikas dahilan sa pagbaha.

May mga tolda sa Guian, Eastern Samar ang nagiba dahilan sa ulan. Mas maraming nawalan ng tahanan ngayon kaysa mga tinamaan ng tsunami noong 2004 ayon sa mga opisyal ng non-government organizations tulad ni Justin Morgan, country director ng Oxfam ng United Kingdom.

Ani G. Morgan, tatlo na lamang sa 32 evacuation center ang nananatiling nakatayo.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>