|
||||||||
|
||
Mga Obispo ng Pilipinas, dadalos sa isang seminar-workshop
MEDIA MANAGEMENT at social media ang paksa ng isang seminar-workshop para sa mga kasapi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na magsisimula bukas hanggang sa Huwebes.
Nasa Pilipinas si Seàn-Patrick Lovett, vice president ng Centre for Research and Education in Communication at Director ng English Programme ng Vatican Radio ang resource person sa pagpupulong. Inanyayahan siya ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.
Nagbibigay siya ng mga seminar sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Napuna ni G. Lovette na iba't ibang kultura at pangangailangan ng iba't ibang kapulungan ng mga obispo.
Nagturo siya ng Communications courses sa Pontifical Gregorian University ng may 25 taon. Nagsimula siyang maglingkod sa panunungkulan ni Pope Paul VI. Pinangalanan din siyang Catholic Communicator of the Year ng University of Dayton noong 2012 at nagawaran din siya ng St. Thomas More Medal for Defence of the Faith ng Christendom College.
Pagkatapos ng seminar ng mga obispo, magkakaroon naman sila ng plenaryo mula sa Biyernes hanggang Linggo. Inaasahang magkakaroon ng press conference sa darating na Lunes, ika-27 ng Enero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |