|
||||||||
|
||
HIGIT sa 2,000 pamilyang naninirahan sa mga tolda ang nagsilikas ngayon sa Tacloban City. Ayon sa mga balitang nakarating sa Maynila, pinamunuan ng City Disaster Risk Reduction Management Council ang paglilikas sa paglapit ng bagyong si "Basyang."
Magugunitang hinagupit ni "Yolanda" ang Tacloban noong ika-walo ng Nobyemre 2013.
Dinala sila sa Tacloban Convention Center na kilala sa pangalang Astrodome upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Ayon kay Federico Anido, pinuno ng Tacloban Disaster Risk Reduction Management Council, manganganib ang mga evacuees sa hanging mula 65 hanggang 85 kilometro bawat oras ni Basyang."
Na sa mga tolda sila sa Barangay San Jose at sa kapaligiran ng Astrodome na kayang tirhan ng higit sa 5,000 katao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |