|
||||||||
|
||
ISANG uri umano ng pananabotahe ng ekonomiya ang pagpupuslit ng bigas papasok sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Undersecretary Emerson Palad, tagapagsalita ng Kagawaran ng Pagsasaka sa kanyang pagtanggi sa lahat ng mga pahayag sa kawalan umano ng pagkilos at pagkakasangkot ng mga kawani ng kanilang tanggapan at ng National Food Authority sa mga ilegal na gawain.
Ang lahat ng uri ng pagpupuslit ng bigas ay makasasama sa ekonomiya at maging sa mga magsasaka ng palay. Nawawalan ng kita ang pamahalaan sa mga buwis at taripa. Bumababa rin ang presyo ng bigas na inani ng mga magsasaka dahilan sa ipinupuslit na butil.
Layunin umano ni Kalihim Proceso J. Alcala mula ng maluklok sa tanggapan ang pagkakaroon ng rice self-sufficiency sa pamamagitan ng pagpapataas na productivity at kita ng mga magsasaka.
Kinasuhan na umano ang mga sangkot sa rice smuggling, kabilang na rin ang ilang mga tauhan ng National Food Authority.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |