|
||||||||
|
||
NAIS makausap ng ilang mga obispo si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III tungkol sa mabagal na pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Magtatapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program sa buwan ng Hunyo subalit wala pang nagagawang pamimili at pamamahagi ng lupa.
Mula Hulyo ng 2010 hanggang Hunyo 2013, nagpalabas lamang ang Kagawaran ng Repormang Agraryo ng notices of coverage na may sukat na 314,422 ektarya ng lupa mula sa nalalabing 1.2 milyong ektarya.
Sa pangyayaring ito, sinabi ng mga obispo na lubha silang nababahala sa mabagal na pagkilos ng palatuntunan. Hiniling ng mga obispo na magkaroon ng extension ang CARP hanggang Hunyo ng 2016.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |