|
||||||||
|
||
TINIYAK ni Senate President Franklin M. Drilon na madaling kikilos ang Senado sa mga panukalang batas na higit na magpapa-unlad sa larangan ng ekonomiya.
Ang pangakong ito'y kasunod ng pagpapalabas ng pamahalaan ng 7.2% Gross Domestic Product sa taong 2013 na lumampas sa target na 6.0 hanggang 7.0% noong 2013 at pumangalawa sa Tsina.
Idinagdag pa ng pangulo ng senado na marami pang nararapat gawin upang magkaroon ng mas maraming foreign investments at makapagpalakas ng mga industriyang Pilipino na makatutugon sa kompetisyon.
Kasabay nito, nararapat makasama sa kaunlaran ang mga mahihirap sa ilalim ng palatuntunang inclusive growth sapagkat ito ang pinakabuod ng paglilingkod-bayan ng alinmang pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |