|
||||||||
|
||
melo/20140203.m4a
|
KAPAYAPAAN, ABOT-KAMAY NA. Ito ang ipinaliwanag ni Government of the Philippines chief negotiator Prof. Miriam Coronel-Ferrer matzos lagdaan ang ika-apat na bahagi ng mga kasunduan tungo sa Framework on the Bangsamoro. Nakiusap siya sa madla na bigyang pagkakataong yumabong ang kapayapaan sa Mindanao matapos ang matagal na negosasyon. (Raymond Bandril)
MAS MAKABULUHAN ANG KAPAYAPAAN KUNG KASAMA ANG LAHAT NG MUSLIM. Nanawagan si Imam Alim Naguib Taher ng Insan Islamic Assembly sa pamahalaan na isama ang lahat ng mga tribong Muslim sa pag-uusap na magwawakas sa kapayapaan. Hindi marapat na Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) lamang ang kausapin sapagkat mayroong maiaambag ang iba pang tribo tungo sa kapayapaan sa Mindanao. (Raymond Bandril)
NANINDIGAN si Professor Miriam Coronel-Ferrer, chief negotiator ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front na abot-kamay na ang kapayapaan sa Mindanao sa paglagda ng magkabilang-panig sa ika-apat na annex na kailangan sa pagbuo ng malawakang kasunduang pangkapayapaan.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Professor Coronel-Ferrer na matapos ang matagal na pag-uusap, nabuo ang tiwala ng magkabilang-panig at naganap ang paglagda noong Sabado, ika-25 ng Enero sa "Annex on Normalization and the Addendum on Bangsamoro Waters", ang nalalabing annexes sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Nararapat lamang bigyang-diin ng balana ang kahalagahan ng kasunduang ito sapagkat matagal nang panahon ang ginugol upang matamo ang kapayapaan sa Mindanao.
Sa panig ni Imam Alim Naguib Taher ng Insan Islamic Assembly, walang katapatan ang pamahalaan sapagkat tanging ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front lamang ang hinarap at kinausap. May iba't ibang grupo pa umanong Muslim na dapat hinarap ng pamahalaan upang maging malawakan ang kapayapaan.
Ipinaliwanag ni Professor Coronel-Ferrer na hindi tinatalikdan ng pamahalaan ang kasunduang nilagdaan sa Moro National Liberation Front noong 1996 sa pagitan ni Pangulong Fidel V. Ramos at MNLF Founding Chair Nur Misuari.
Idinaos ang talakayan sa pagdiriwang ng World Inter-Faith and Harmony Week (mula ikatlo hanggang ikasiyam ng Pebrero) na sinimulan noong taong 2011.
Nagkaroon ng mga kinatawan mula sa Silsilah Dialogue Movement, Focolare at Fo Guang Shan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |