|
||||||||
|
||
Unang Obispo ng Libmanan, namayapa na
NAMAYAPA na si Bishop Prospero Arellano, ang dating Obispo ng Libmanan sa Camarines Sur noong Sabado, unang araw ng Pebrero sa edad na 77.
Isinilang sa Bombon, Camarines Sur noong ika-17 ng Enero, 1937, naordenan sa pagkapari noong Marso 30, 1963.
Nagtapos ng Theology sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City at naging propesor bago nahirang na unang obispo ng Prelatura ng Libmanan. Naglingkod rin siya bilang Rector ng Holy Rosary Minor Seminary at parish priest ng Pili, Camarines Sur at San Isidro Parish sa Iriga City.
Nahirang na obispo ng Libmanan noong ika-9 ng Disyembre, 1989 at naordenan noong ika-19 ng Marso, 1990. Nagbitiw siyang Obispo ng Libmanan noong ika-19 ng Mayo, 2008.
Na sa kanyang tahanan sa San Roque, Bombon, ang kanyang labi at dadalhin sa Katedral ng Libmanan sa darating na ika-7 ng Pebrero. Ililibing siya sa Katedral ng Libmanan sa darating na Lunes, ika-10 ng Pebrero matapos ang Misa sa ganap na ika-9 ng umaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |