|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino: magkakaroon ng 4,000 bagong guro
TAPOS NA ANG BACKLOG SA MGA SILID-ARALAN. Ayon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, natapos na ng pamahalaan ang pangangailangan sa mga silid-aralan. Sa kanyang talumpati sa ceremonial turn-over ng mga silid-aralan na idinaos sa Carmona, Cavite, sinabi ni Pangulong Aquino na magandang simulain ito upang matugunan ang pangangailangan ng sektor ng Edukasyon. (Malacanang Photo)
PAMAHALAAN, NANGANGAILANGAN PA NG 4,000 GURO. Sinabi ni Pangulong Aquino na kung noo'y lumalabas ng bansa ang mga guro, ngayon, handa ang pamahalaang tumanggap ng 4,000 mga guro sa mga paaralan. Higit na umano sa 103,000 mga guro ang nakuha ng gobyerno mula noong 2010. (Malacanang Photo)
PINAG-AARALAN ng Kagawaran ng Edukasyon ang application papers ng mga nais magturo sa pamahalaan sapagkat magkakaroon ng 4,000 bagong guro upang matugunan ang kakulangan sa public schools.
Mula sa Carmona, Cavite, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa tunr-over ng may 66,813 mga silid-aralan umabot na sa halos 103,000 bagong teaching positions ang natamo sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kulang pa umano ng may 4,000 posisyon para sa mga guro ng pamahalaan.
Kung noon ay lumalabas ng bansa ang mga guro, ngayon ay nangangailangan na ang pamahalaan ng may 4,000 bagong guro, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |