|
||||||||
|
||
Mambabatas, binati si Cardinal Quevedo
SA pamamagitan ng isang resolusyon sa Mababang Kapulungan, binati ni Congresswoman Juliette Uy ng ikalawang distrito ng Misamis Oriental ang pagkakahirang kay Cotabato Archbishop Orlando Beltran Quevedo, OMI sa pagkakahirang bilang cardinal.
Isang mahalagang pagkakataong makasama ang Mindanao sa pinagmumulan ng mga kasapi ng College of Cardinals. Ayon sa mambabatas, ang Mindanao ang katatagpuan ng isa sa pinakamatagal ng Muslim insurgencies.
Makatutulong umano si Cardinal Quevedo kay Pope Francis at sa simbahang katolika na marating ang mga mamamayang malayo pa sa kaunlaran at maiparating ang higit na pag-unawa sa Islam at yumabong ang inter-religious dialogue.
Kapuri-puri ang nagawa ni Cardinal Quevedo sa larangan ng pagtatatag ng Basic Ecclesial Communities na itinatadhana ng Second Vatican Council.
Lumaki umano si Cardinal Quevedo sa Marbel, Koronadal, South Cotabato noong dekada kwarenta at singkwenta mula sa mga magulang na tubong Laoag, Ilocos Norte. Naglingkod na siya bilang pari at guro sa Cotabato City sa long 12 taon, halos dalawang taong naglingkod bilang parish priest sa Jolo, Sulu, obispo ng Kidapawan sa loob ng anim na taon, arsobispo ng Nueva Segovia ng 12 taon at 15 taon bilang arsobispo ng Cotabato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |