Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Tsinoy, nangakong tutulong sa mga binagyo

(GMT+08:00) 2014-02-05 18:54:57       CRI

Mga Tsinoy, nangakong tutulong sa mga binagyo

NAGKAISA ang mga Tsinoy na aktibong kasama sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na suportahan ang mga palatuntunan ng pamahalaang iangat ang mga biktima ng bagyong "Yolanda."

Lumagda sa isang kasunduan ang mga mangangalakal na Tsinoy sa pamahalaang panglalawigan ng Leyte na magtatayo ng 500 tahanan at limang paaralan sa barangay sa bayan ng Palo, isa sa pinakanapinsalang pook sa Silangang Kabisayaan.

Ayon kay Dr. Alfonso Siy, nangangako at nakikiisa ang mga bumubuo ng Chinese-Filipino community sa mga nasalanta ng bagyo at sa pagtatangka ng pamahalaang madali ang rehabilitasyon.

Umabot na sa P 150 milyon ang naiambag ng kanilang samahan.

Sumaksi si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paglagda sa kasunduang naganap sa Malacanang kaninang umaga. Lumagda sina Dr. Siy sa ngalan ng FFCCCI at Gobernador Leopoldo Dominico Petilla sa panig ng Lalawigan ng Leyte.

Batay sa kasunduan, magtatayo ang mga Tsinoy ng 500 tahanan sa limang ektaryang lupa sa Barayong, Palo na nagkakahalaga ng P 40 milyon. Limang paaralang pangbarangay na may sampung silid-aralan ang itatayo. Nagkakahalaga ito ng P 2 milyon. Kikilalanin ang relocation site bilang Filipino-Chinese Friendship Village.

Magmumula ang pondo para sa mga proyekto sa FFCCCII at FFCCCII Foundation, Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines, World News Daily, Filipino-Chinese Alumni Association of the Philippines, Filipino-Chinese Amity Club, Overseas Chinese Alumni Association of the Philippines, Filipino-Chinese Shin Lian Association at Philippine Chinese chamber of Commerce and Industry, Inc.

Sa panig ni Gobernador Petilla, sinabi niyang unti-unting nakakabawi ang kanyang mga mamamayan. Nakatuon ang kanilang atensyon sa pagtatayo ng mga tahanan ng kanyang mga kababayan.

Samantala, patuloy ang tulong ng Tsina sa mga nasalanta ni "Yolanda."

Dumating na sa Cebu noong Sabado, unang araw ng Pebrero ang isang barkong may dalang 800 metriko toneladang bigas na nakapangalan sa National Food Authority.

Ito ang pinakahuli sa disaster relief efforts ng Tsina matapos magpadala ng tatlong jumbo cargo planes na mga kagamitan, dalawang medical teams at ang barkong Peace Ark sa nakalipas na dalawang buwan.

Nag-alok din ang Tsina ng magbibigay ng prefabricated houses sa mga biktima ni "Yolanda."

Ginawa ng Tsina ang pag-aalok ng food donation sa pamahalaang Pilipino noong ika-18 ng Disyembre, ilang oras matapos magbigay ng briefing sina Pangulong Aquino at mga Kalihim Albert F. Del Rosario ng Ugnayang Panglabas at Arsenio M. Balisacan ng National Economic and Development Authority sa Reconstruction Assistance on Yolanda (RAY) para sa mga development partners sa pamamagitan ng Embahada ng Tsina sa Thailand at sa Secretariat ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserves sa Bangkok.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>