|
||||||||
|
||
Pilipinas, walang balak humingi ng paumanhin sa Hong Kong
WALANG anumang balak si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na humingi ng paumanhin sa Hong Kong sanhi ng madugong Manila hostage crisis noong Agosto 2010.
Sa panayam sa kanya ng New York Times na lumabas sa Presidential Communications Operations Office website, ito ang unang pahayag ng pangulo mula ng humiling na muli ang Hong Kong ng paumanhin bago inilabas ang visa requirement sa mga opisyal ng bansa at mga diplomatang dadalaw sa kanilang lungsod.
Apektado ang mga opisyal ng pamahalaan at mga diplomata sa pinakahuling alituntuning ipinatutupad ng Hong Kong.
Magugunitang napaslang ang pulis na hostage-taker at ang walong turistang mula Hong Kong sa napalpak na rescue operation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |