![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Halaga ng bilihin, tumaas
DAHIL sa sama ng panahon, tumaas ang halaga ng pagkain na siyang nagtulak sa inflation na 4.2%. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Sa nakalipas na buwan ng Enero, 2014, karamihan ng mga pagkain ang nagtala ng mas mabilis ng inflation sa higpit ng market conditions dulot ng sama ng panahon. Ito ang pagsusuri ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ang presyo ng pagkain noong Enero at mas mataas ng limang por siyento kung ihahambing sa nakalipas na Disyembre 2013.
Napuna ito sa mga lalawigang pinagkukunan ng palay na nagkaroon ng mahinang ani sa ikalawa at ikatlong kwarter ng 2013.
Naka-apekto ang masamang panahon sa pagtatanim at ani ng gulay na humantong sa mas mataas na presyo ng bilihin.
Ayon pa kay Kalihim Balisacan, sa hindi paggalaw ng presyo ng petrolyo, naiawasan ang mas mataas na inflation sa iba pang consumer products. Kung hindi naglabas ng kautusan ang Korte Suprema sa Meralco, tiyak na lumaki pa ang inflation sapagkat nanatili ang kanilang singil sa November 2013 rates.
Napuna ring tumaas ang inflation sa non-food items at narating ang 2.8% noong Enero 2014 at mas mataas sa 2.7% na natamo noong Disyembre 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |