|
||||||||
|
||
SILID ARALANG ITINAYO NG RED CROSS SOCIETY OF CHINA, PINASINAYAAN. Ipinagkaloob na nina Dr. Zhao Baige, Executive Vice President ng Red Cross Society of China (pang-apat mula sa kaliwa) at Chairman Richard Gordon (gitna) sa mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon sa Leyte ang may 166 silid-aralan sa sabay-sabay na turn-over ceremonies sa Tacloban at Palo, Leyte kanina. Nagutulungan ang Red Cross Society of China at Philippine Red Cross at Kagawaran ng Edukasyon sa pagtatayo ng mga silid-aralan. (PRC Photo)
PINASALAMATAN ni Education Secretary Bro. Armin Luistro, FSC ang Red Cross Society of China sa pakikiramay sa mga nasalanta sa pamamagitan ng "humanitarian action and assistance."
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bro. Luistro na ang mga bata ang pinaka-apektado ng mga trahedyang tulad ng hagupit ni "Yolanda." Idinagdag pa niya na ang mga bata ang makikinabang sa mga silid-aralan at mga upuang ibinigay. Mababalik na rin sa normal ang pagtuturo ng mga guro, dagdag pa niya.
Halos lahat ng mga paaralan ang napinsala kaya't walang mapuntahan ang mga kabataan.
Pinasalamatan din niya ang Philippine Red Cross sa pagiging tulay sa Red Cross Society of China at sa school divisions.
May 26 ng mga silid-aralan ang itinayo sa Palo, 10 sa Tolosa, tatlo sa Tanauan, pito sa Dulag, 20 sa Pastrana at 100 silid-aralan sa Tacloban City ang tinanggap na ng school principals sa turn-over ceremony kanina.
Namuno sa seremonya sina Chairman Richard Gordon ng Philippine Red Cross at Dr. Zhao Baige, executive vice president ng Red Cross Society of China.
Ani Chairman Gordon, naipakitang magkakatulungan ang dalawang Red Cross Societies upang madali ang pagtatayo ng mga paaralan. Umaasa siya na higit na magkakatulungan ang dalawang samahan sa ngalan ng mga taga-Leyte at Tacloban City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |