Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May 166 na silid-aralan, itinayo ng Red Cross Society of China

(GMT+08:00) 2014-02-10 18:59:43       CRI

Pambansang pagpupulong laban sa Human Trafficking gagawin

DALAWANG araw ang inilaan para sa masigasig na talakayan hinggil sa human trafficking at pang-aalipin mula sa ika-27 ng Pebrero. Itinataguyod ng Office on Women, Commission on Social Action, Justice and Peace, Commission on Pastoral Care for Migrants, Commission on Youth, Legal Office at Commission on Culture, pawang mga tanggapang sa ilalim ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagtitipong ito.

Idaraos sa University of Asia and the Pacific ang talakayang tungkol sa Human Trafficking na kinikilalang napakalaking hamon sa daigdig at dadaluhan ng mga dalubhasa sa iba't ibang paksa tulad ng International Catholic Migration Commission ng Vatican City, Presidential Task Force Against Illegal Recruitment at Inter-Agency Council on Anti-Trafficking of Persons, Tanggapan ng Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay, Kalihim Leila B. De Lima ng Kagarawan ng Katarungan at iba pa.

Nakatakdang magsalita nina John Michael Klink ng International Catholic Migration Commission, Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay, Kalihim Leila B. De Lima at iba pa.

Ayon kay Ginang Fenny C. Tatad, executive secretary ng CBCP Office on Women, kabalikat nila ang Visayan Forum Foundation, University of Asia and the Pacific, JPIC Commission ng Dominican Sisters of Siena, Talitha Kum Southeast Asia, Zonta Club of Makati and Environs, Pro-Life Philippines at Association of Major Religious Superiors in the Philippines.

Kabilang sa pagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng mga Pilipinong nabibiktima ng human trafficking at kung ano ang ginagawa ng pamahalaan upang masugpo ang ganitong kalagayan.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>