|
||||||||
|
||
Kalakal ng mga sasakyan sa buwan ng Enero, tumaas ng 27%
TUMAAS ang bentahan ng mga sasakyan sa buwan ng Enero kung ihahambing sa naipagbiling mga sasakyan noong enero ng 2013.
Ayon sa pahayag ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc., ang commercial vehicles ang nanguna sa bentahan sa pagkakaroon ng 10,335 units na mas mataas sa naipagbili noong 2013 na 8,113 units. Sinundan ito ng Light Commercial Vehicles na nagkaroon ng 6,541 units ngayong 2014 at mas mataas sa 5,271 noong 2013.
Ang mga kotse naman ang pumangatlo sa bentang 5,296 at mas mataaas sa 4,190 noong Enero ng 2013.
Tumaas din ang benta ng mga AUV, Light Trucks at maging mga truck at bus.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, Pangulo ng CAMPI, sa pangkalahatan, ang kabuuhang bilang ng mga sasakyang naipagbili sa buwan ng Enero 2014 ay 15,631 na mas mataas na 12,303 units. Sa pangyayaring ito, lumago ang bentahan ng mga sasakyan ng may 27.1%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |