|
||||||||
|
||
Mga mag-aaral, tiyak na ang hanapbuhay
SA idinaos na simple turn-over ceremonies ng mga kagamitan sa Toyota Motor Philippines-School of Technology na nagkakahalaga ng may P 3 milyon, higit na makatitiyak ang may 150 mga mag-aaral na hanapbuhay sa oras na makatapos ng kanilang pagsasanay sa susunod na dalawang taon.
Ipinagkaloob ni G. Michinobu Sugata, Pangulo ng Toyota Motor Philippines ang mga kagamitan kay Dr. David Go, Pangulo ng Toyota Motor Philippines – School of Technology.
Ani G. Loreto San Pedro, ang Director ng TMP School of Technology, ang mga kagamitang ito ang siyang pakikinabangan ng 150 mga mag-aaral na nagsasanay bilang mga mekaniko sa loob ng dalawang taon.
Niliwanag niyang ang mga mag-aaral ay kinabibilangan ng 11 kababaihan. Mayroon din silang binabalak na espesyal na pagsasanay sa mga kabataang mula sa Saudi Arabia na makakasabay ng mga mag-aaral na mga Pilipino.
Nais umanong matuto ng mga mag-aaral ng kultura at kahalagahan ng kasipagan mula sa mga kamag-aral nilang mula sa Timog Katagalugan at Metro Manila.
Saklaw ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority ang kursong ginagamit ng Toyota Motor Philippines School of Technology. Sa unang taon ay sasanayin ang mga mag-aaral ng mga gawain ng mga mekaniko at sa ikalawang taon nama'y ipadadala sila sa iba't ibang Toyota dealers na mangangailangan ng kanilang serbisyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |