![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kongreso, aayusin ang kalakaran sa buwis upang magkaroon ng mas maraming investors
GAGAWA ng kaukulang hakbang ang Senado ng Pilipinas upang magkaroon ng mas maraming tax incentives para sa mga mangangalakal at mahigpitan ang mga alituntunin sa consumer protection, mapatatag ang business climate at mapag-ibayo ang kompetisyon at magkaroon ng mas maraming hanapbuhay.
Nagkausap na sina Senate President Franklin M. Drilon at House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. at nagkasundong bigyang halaga ang magpapalakas ng kalakalan at matiyak ang katatagan ng negosyo at pananalapi at magawang kaakit-akit ang bansa para sa foreign investments.
Ani Senador Drilon, ang mas maraming investments ay makagagawa ng mas maraming hanapbuhay at economic opportunities para sa mga mamamayan ng bansa.
Pag-uusapan sa Kongreso ang mga hakbang upang magkaroon ng Consolidated Investments and Incentives Code of the Philippines at ang panukalang batas na pinamagatang Tax Incentives Management and Transparency Act.
Idinagdag ni Senator Drilon, na mahalagang suriin at pagsanibin ang maraming mga fiscal at non-fiscal incentives at mga subsidyo sa mga banyaga at Pilipinong mangangalakal upang maiwasan ang pagkakapatung-patong at paulit-ulit na incentives upang maiwasan ang kawalan ng kita ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |