|
||||||||
|
||
20140313ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, noong unang araw ng Marso 2014, sampung (10) teroristang nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha ang sumugod sa istasyon ng tren ng lunsod ng Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina. Ang mga teroristang ito ay pawang armado ng patalim at itak. Biglaan silang pumasok sa naturang istasyon ng tren at pinagtataga ang mga taong nakapila at bumibili ng ticket. Dalawampu't siyam (29) ang namatay at mahigit 130 ang nasugatan. Talaga pong kagimbal-gimbal ang pangyayaring ito. Hindi po maabot-isipin ng inyong lingkod na may-gagawa ng ganitong krimen. Pati ang mga walang muwang at inosenteng sibilyan ay walang habas na pinagpapatay ng mga masasamang-loob na ito.
Ang terorismo ay salot sa lipunan ng tao. Pinipinsala nito ang mga ari-arian at buhay ng mga inosenteng sibilyan. Ito ay gawain ng mga halang ang kaluluwa at maiitim ang buto. Ang mga grupong teroristiko na tulad ng Al-Qaeda, Abu Sayyaf, at Eastern Turkistan Islamic Movement ay pawang mga walang puwang sa sibilisadong mundo. Dapat na silang kalusin dahil talaga namang sumosobra na ang kanilang kasamaan. Sila ay maihahalintulad sa mga damong-ligaw na sumisira sa pananim ng mga magsasaka: at dahil sila ay mga damong-ligaw, dapat bunutin ang kanilang mga ugat upang hindi na muling tumubo. Kasama ng Amerika, Britanya, Afghanistan, Pakistan, at marami pang iba, ang Tsina at Pilipinas ay pawang mga biktima ng teroristikong pag-atake. Upang maabot ang kapayapaan at kasaganaang inaasam ng lahat, ang komunidad ng daigdig ay dapat magkapit-bisig upang labanan at puksain ang salot ng lipunan na kung tawagin ay terorismo.
Narito po ang inihanda naming espesyal na audio program hinggil dito.
Lugar na pinangyarihan ng atake
Mga biktima ng Atake sa Istasyon ng Tren ng Kunming
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |