|
||||||||
|
||
20140320ditorhio.m4a
|
Si Premiyer Li Keqiang ng Tsina
Si Premiyer Li Keqiang, sa preskon
Mga pengyou, kakatapos lamang ng taunang sesyon ng Pambansang Kongesong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) noong nakaraang linggo. Dito, pinag-usapan at pinagdebatehan ng mga mambabatas na Tsino ang mahahalagang panukalang nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng ekonomiya, paglaban sa korupsyon, pagpuksa sa terorismo, pagpapabuti ng polisiyang panlabas sa mga kapit-bansa, pagpapabuti ng seguro para sa mga mamamayan, etc. Daan-daang mamamahayag mula sa ibat-ibang sulok ng daigdig ang dumagsa sa nasabing pagtitipon upang isahimpapawid ang mga polisiyang ilalabas ng Tsina. At sa palagay ko, nasaksihan ng buong mundo ang kanilang mga ulat. Sa ating episode ngayong gabi, tututukan natin ang ibat-ibang mahahalagang direktiba at mga panukalang naipasa sa mga naturang pagtitipon; at iyan po ay maririnig ninyo, mula mismo kay Ginoong Li Keqiang, Premyer ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |