Usapin ng mga kaalyado ng Malacanang, na sa Ombudsman
SINABI ni Secretary Herminio Coloma na nasa kamay na ng Ombudsman ang mga usaping may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund at Malampaya Fund.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni G. Coloma na Ombdusman at hindi si Pangulong Aquino ang magdedesisyon kung magpapatuloy ang usapin. Makaka-asa ang mga mamamayan na malayang makapagdedesisyon ang Ombudsman.
Ito ang kanyang reaksyon sa batikos na tanging sina Senador Juan Ponce-Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jose "Jinggoy" Estrada lamang ang nililitis at walang sinumang kakampi ng administrasyon ang sinisiyasat. Sila ang pinangalanan sa unang usapin samantalang mayroon pang 34 na iba pang ipinagharap ng sumbong at kinabiilangan nina dating Customs Commissioner Ruffy Biazon, Congressman Salacnib Baterina, Congressman Douglas Cagas, Marc Douglas Cagas, dating Congressman Arrel Olano, dating South Cotabato Congressman Arhtur Pinggoy, Jr. dating Oriental Mindoro Congressman Rodolfo Valencia at dating Pampanga Congresswoman at ngayo'y Energy Regulatory Board Chairman Zenaida Cruz-Ducut.
Sina Biazon at Ducut ang mga kakampi ng administrasyon.
1 2