|
||||||||
|
||
140326melo.m4a
|
Handa na ang Malacanang para sa seremonya bukas
BUKAS ng ganap na ika-apat ng hapon, malalagdaan ang isang makasaysayang dokumento na magwawakas sa deka-dekadang labanan sa pagitan ng pamahalaan at mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front sa Palasyo Malacañan.
Ayon sa pahayag ng Tanggapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, darating ang mga kinatawan ng Government at MILF Peace Panels upang lagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). Inanyayahan din ang mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nagpapakita umano ng katapatan ng pamahalaang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaang sasaklaw sa lahat ng mga Pilipino.
Ayon kay GPH-MILF peace panel Chair Miriam Coronel-Ferrer, inanyayahan si MNLF Central Committee Chairman Abdul Khayr Alonto na kahalili ni Professor Nur Misuari.
Sinabi naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles na inanyayahan din si Jimmy Labawan na vice chairman sa ilalim ni G. Misuari na dumalo sa okasyon. Wala pang balita kung darating si G. Labawan sa Malacañan.
May 20 mga kinatawan ng iba't ibang grupo ang inaasahang sasaksi sa seremonya.
Idinagdag ni Professor Ferrer na ang kasunduang lalagdaan ay mahalaga hindi lamang sa mga Bangsamoro at mga taga-Mindanao kungdi sa lahat ng mga Filipino na makikinabang sa pagpapatatag ng bansa.
Tumagal ng isang tao't kalahati ang pag-uusap matapos lagdaan ang Framework Agreement on the Bangsamoro at nagkaroon ng apat na annexes, isang addendum at limang terms of reference bago malagdaan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Pinagsama-sama ang mga nalagdaang mga dokumento sa pag-itan ng pamahalaan at MILF na nagbibigay-diin sa mga paraan ng negosasyon at pagkilala sa pagiging makatarungan at lehitimo ng isinusulong ng mga Bangsamoro.
Napapaloob din sa kasunduan ang layuning magkaroon ng makabuluhang autonomia sa pamamagitan ng democratic process, paghahanap ng solusyon sa mga isyu ng Bangsamoro ng may karangalan, katarungan at dignidad at matapos na ang mga sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF at maisulong na rin ang kapayapaan at katatagan.
Kasama rin sa lalagdaan ang mga pananagutan ng magkabilang panig na maipagtanggol at mapayabong ang mga karapatan ng mga Bangsamoro at iba pang mga naninirahan sa Mindanao, maituwid ang tinaguriang historical injustice at magkaroon ng pagbabahagi ng yaman at political power.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |