Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Produksyon ng bigas sa Pilipinas, umaangat

(GMT+08:00) 2014-03-31 19:00:56       CRI

Produksyon ng bigas sa Pilipinas, umaangat

SMUGGLING NG BIGAS, NAPIPIGIL NA. Ipinaliliwanag ni Retired General Alejandro H. Estomo (kaliwa) ng Bureau of Customs na mula ng manungkulan si dating AFP Chief of Staff General Jessie Dellosa sa Intelligence and Investigation Division ng Bureau of Customs ay napigilan na nila ang mga pagpupuslit ng bigas. Nasa gawing kanan si Director Rex Estoperez ng National Food Authority. (Raymond Bandril)

GUMAGANDA ANG ANI NG PALAY NG PILIPINAS. Ito ang pahayag ni Dr. Bruce Tolentino (gitna), Deputy Director General ng International Rice Research Institute sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina. Ito rin ang paniniwala ni Dr. Eufemio Rasco, Jr.(kanan) ng Philippine Rice Research Institute. (Raymond Bandril)

GINAGAMPANAN NG NFA ANG GAWAIN NITO. Ayon kay Director Rex Estoperez (kanan) tuloy ang kanilang pagbili ng palay sa mga magsasaka kung kakikitaan ng pagbaba ng presyo sa farm gate. Obligado rin silang maglabas ng bigas sa oras na tumaas ang presyo nito. (Raymond Bandril)

GUMAGANDA na ang produksyon ng bigas sa Pilipinas kung ihahambing sa Vietnam at iba pang bansang pinagmumulan ng bigas. Ito ang paniniwala nina Dr. Bruce Tolentino, Deputy Director General ng International Rice Research Institute at Dr. Eufemio Rasco, Jr., Executive Director ng Philippine Rice Research Institute sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Bagaman nagkasundo rin silang kailangang dagdagan ng salapi ang research and development at pagpapatubig sa mga sakahan upang higit na gumanda ang ani ng mga magsasaka.

Sinabi ni Director Rex Estoperez, tagapagsalita ng National Food Authority na kahit pa maganda ang presyo ng pamimili ng kanilang tanggapan sa mga magsasaka, patuloy na nababawasan ang bilang ng mga magsasaka sapagkat ang mga sumusunod na henerasyon ay nawawalan ng interes pagbukid.

Binanggit naman ni dating Trade and Industry at Agriculture Undersecretary Ernesto M. Ordoñez na kapuri-puri ang ginagawa ng Bureau of Customs upang masugpo ang pagpupuslit ng bigas papasok sa bansa. Mahalaga umano ang repormang ipinatutupad nina Customs Commissioner John P. Sevilla at Deputy Commissioner Jessie Dellosa na pinuno ng Customs Intelligence Group.

Ayon kay Retired General Alejandro Estomo mula sa Intelligence and mamagpuslit ng bigas sapagkat tiyak na madarakip ng kinauukulan. Kung mayroon man ay tanging misdeclaration na lamang at napapanagot nan g kanilang tanggapan.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>