|
||||||||
|
||
140328melo.m4a
|
"HINDI NA AKO REBELDE." - Ito ang sinabi ni Moro Islamic Liberation Front Chief Negotiator Mohager Iqbal (kaliwa) sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina sa Manila Hotel. Isang malaking hamon para sa kanila ang decommissioning o pagsasalong ng mga sandata subalit handa nila itong gawin magtagumpay lamang ang kapayapaan sa MIndanao, dagdag pa ni G. Iqbal. (OPAPP Photo)
Mohaqer Iqbal: "Hindi na ako rebelde"
SINABI ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal na hindi na siya rebelde matapos lumagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro kahapon. Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Manila Hotel kanina, sinabi ni G. Iqbal na sumusunod sila sa takdang panahon sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law.
Kinikilala niyang natapos na ang kanyang panahon ng pagiging rebelde sapagkat nagkakaroon na ng pagbabago tungo sa isang taong sangkot sa "democratic way."
Ipinaliwanag niyang mayroong tatlong tinik na kinaharap ang MILF, una ang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Pangalawa naman ang pagsasalin ng CAB upang maging isang "legal document" at ang pangatlo'y ang pagpapatupad ng nilalaman ng kasunduan.
Hinggil sa "decommissioning," niliwanag ni G. Iqbal na upang magkaroon ng Bangsamoro government, kailangan nilang pagbayaran ito sa pamamagitan ng pagtatabi o pagsasalong ng kanilang sa sandata.
Ito ang pinakamahirap subalit mauunawaan ng kanilang mga kasamahan ang katuturan ng pagsasalong ng sandata.
Sa panig ni Professor Abhoud Said Linga, ang CAB ay para sa lahat, hindi lamang para sa mga kabilang sa MILF. Binigyang-diin niya na walang anumang sektor na maiiwan sapagkat lahat ay magkakaroon ng oportunidad.
Kung anuman ang kakulangan sa 1996 Peace Agreement ng pamahalaan at ng MNLF, makikita ito sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Sinabi ni G. Iqbal na sa pagkakaroon ng pagtitiwala sa isa't isa, humantong ang pag-uusap sa paglagda sa CAB. Kung nagkaroon ng pagsusuko ng mga sandata noong panahon ni Pangulong Marcos, hindi ito naging mabisa. Ang "decommissioning" at "normalization" ay tungo sa kapayapaan. Umaasa si G. Iqbal na magkakaroon ng halalan sa darating na 2016 at lalahok ang MILF sa halalan.
Kailangan umano ng Pilipinas ang isang malakas at matatag na pinuno at nakita nila ang katangiang ito kay Pangulong Aquino. Sana raw ay makita rin ng madla ito sa hanay ng MILF.
Para kay Professor Linga, hindi rin mabubuwag ang MILF sapagkat mananatili itong isang "social movement."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |