Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Lima Paghingi ng Tulong

(GMT+08:00) 2014-04-28 16:09:01       CRI

我(wǒ)能(néng)帮(bāng)助(zhù)你(nǐ)吗(ma)?


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Sa susunod na situwasyon, kung gusto ninyong magpakuha ng litrato, paano ba ang tumpak na paraan ng pagsasabi nito sa wikang Tsino? Ang isa sa mga ekspresyon na puwede ninyong gamitin ay…

能(néng)帮(bāng)我(wǒ)照(zhào)张(zhāng)相(xiāng)吗(ma)?

能(néng), maaari.

帮(bāng), pandiwa na nangangahulugang "tulungan."

我(wǒ), ako.

照(zhào)相(xiāng), kumuha ng litrato.

Kung napuna ninyo, gumamit tayo ng张(zhāng), salitang panukat na Tsino, sa pagitan ng dalawang salita.

照(zhào)张(zhāng)相(xiāng), kumuha ng litrato.

吗(ma), salitang nagpapahiwatig ng tanong.

Narito ang ikalawang usapan:

A:能(néng)帮(bāng)我(wǒ)照(zhào)张(zhāng)相(xiāng)吗(ma)?Maari bang kunan mo ako ng litrato?

B:没(méi)问(wèn)题(tí)。Walang problema.

Minsan, nag-aalok tayo ng tulong sa iba. Sa wikang Filipino, karaniwan na nating sinasabi ang "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Sa wikang Tsino, maari ninyong sabihing:

我(wǒ)能(néng)帮(bāng)助(zhù)你(nǐ)吗(ma)?

我(wǒ), ako.

能(néng), puwede o maari.

帮(bāng)助(zhù), tulungan o tumulong.

你(nǐ), ka o iyo.

吗(ma), salitang nagpapahiwatig ng tanong.

Narito ang ikatlong usapan:

A:我(wǒ)能(néng)帮(bāng)助(zhù)你(nǐ)吗(ma)?Ano ang maipaglilingkod ko sa kanila?

B:我(wǒ)的(de)相(xiàng)机(jī)不(bú)见(jiàn)了(le)。Nawawala ang kamera ko.

Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Ang mga kapitbahay ay isang mahalagang bahagi ng relasyong pangkomunidad sa Tsina. Halimbawa, kung ang mag-asawa ay kapuwa naghahanap-buhay, iniiwan nila ang susi ng kanilang tahanan kay "Manang" na kapitbahay, para matingnan nito ang kanilang anak pagkagaling sa paaralan. Ang ganito kahigpit na ugnayan ng magkakapitbahay ay talagang totoo, lalo na noong nakalipas na 30 taon, kung kailan ang mga tahanan sa Tsina ay karaniwang isang-palapag pa lamang. Pero habang parami nang parami ang mga taong lumilipat sa mga apartment building, lalong nagiging mahirap para sa mga naninirahan sa iisang gusali na makilala ang isa't isa. Kaya ang mga residente, partikular na iyong mga may edad na, ay nagrereklamong ang relasyon ng magkakapitbahay ngayon ay hindi na kasinghigpit na gaya noon. Samantala, ang mga magkakapitbahay ngayon ay may bago nang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa isa't isa, at ito ay sa pamamagitan ng Internet.

Buweno, diyan po nagtatapos ang ating aralin sa linggong ito. 非常感谢!maraming salamat po. 多保重! Magpakaingat kayo! 再见!Paalam.

Maligayang pag-aaral!:)


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>