|
||||||||
|
||
你nǐ能néng帮bāng我wǒ一yí个gè忙máng吗ma 当dāng然rán可kě以yǐ
20140428Aralin5Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay! 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn)。Kumusta kayo? Welkam po sa pag-aaral ng wikang Tsino. Noong nakaraan, itinuon natin ang ating atensiyon sa mga ekspresyon na may kinalaman sa pagpapaalam. Ngayon, dumako na tayo sa misyon sa linggong ito.
1.你nǐ能néng帮bāng我wǒ一yí个gè忙máng吗ma?Maari bang makahingi ng pabor (tulong)?
2.当dāng然rán可kě以yǐ。Puwede.
3. néng能bāng帮wǒ我zhào照zhāng张xiāng相ma吗?Maari bang kunan mo ako ng litrato?
4. wǒ我néng能bāng帮zhù助nǐ你ma吗?Ano ang maipaglilingkod ko sa kanila?
Sa maraming pagkakataon, maaring kailanganin nating humingi ng tulong sa iba. Sa Filipino, madalas nating sinasabing "Maari bang makahingi ng pabor (tulong)?" Ang katumbas nito sa wikang Tsino ay…
你nǐ能néng帮bāng我wǒ一yí个gè忙máng吗ma?
你nǐ, "ka" o "ikaw".
能néng, kaya o maaari.
帮bāng, tulong.
我wǒ, ako.
Ang 一yī ay isa at ang 个 gè naman ay isang panukat na salita. Kung pagsasamahin, ang 一yí个gè ay nangangahulugang "isa".
忙máng, tulong o pabor.
吗ma, salitang nagpapahiwatig ng tanong.
Sa sumusunod na usapan, humihingi si Li Li ng pabor sa kaniyang katrabaho.
Usapan:
A:你nǐ能néng帮bāng我wǒ一yí个gè忙máng吗ma?Maari bang makahingi ng pabor (tulong)?
B:当然可以。Oo, puwede.
Kung sasang-ayon kayong magkaloob ng tulong, maaaring ninyong isagot当dāng然rán可kě以yǐ.
当dāng然rán,siyempre o oo.
可kě以yǐ, maaari o puwede.
当dāng然rán可kě以yǐ, siyempre.
能(néng)帮(bāng)我(wǒ)照(zhào)张(zhāng)相(xiāng)吗(ma)?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |