Kamakailan ay idinaos po ang ikalawang Beijing International Kite Festival sa Olympic Sports Park, sa Tongzhou District ng Beijing. Sa pagtataguyod ng Beijing People´s Association for Friendship with Foreign Countries (BPAFFC) at Tongzhou Kite-flying Association, maraming kite-flying fans mula sa Tsina, Australia, Ruanda, Malaysia, Poland, Germany, Switzerland, Sweden, India, Singapore, mga mag-aaral mula sa ibat-ibang mababang paaralan ng Beijing, at marami pang iba, ang nakilahok sa nasabing aktibidad. Pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas, lumipad ang ibat-ibang uri at laking saranggola, na nagbigay ng ibat-ibang kulay sa kalangitan ng Beijing. Nagkaroon din ng ilang demonstrasyon ang mga eksperto ng Tongzhou Kit-flying Association kung paano magpalipad ng saranggola. At talaga namang kapuwa matatanda at bata ay nasiyahan sa panonood nito.
Ang mga baguhang kalahok na gaya po ng inyong lingkod ay tinuruan din ng BPAFFC sa paggawa ng saranggola. Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipakilala sa mga dayuhan ang kultura ng mga Tsino sa pagpapalipad at paggawa ng saranggola. Ito rin ay upang palakasin ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga Tsino at mga dayuhang nagtatrabaho at namumuhay sa Tsina.
Ekspertong kite-flyer mula sa Tngzhou Kite-flyers Association
1 2 3 4