|
||||||||
|
||
20140327ditorhio.m4a
|
Mga pengyou, noong nakaraang linggo ay narinig natin mula mismo kay Premyer Li Keqing ang mga importanteng polisiyang nabuo pagkatapos idaos ang mga sesyon ng Pambansang Kongesong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Para po doon sa mga hindi nakapakinig ng episode natin noong isang linggo, ang CPPCC ang siyang top consultative body ng Tsina. Ang CPPCC ay binubuo ng mga deputado o mga representative ng ibat-ibang sektor ng mga mamamayang Tsino, at sila rin ang nagbibigay ng mga napakaimportanteng payo sa mga mambabatas ng NPC sa paggawa at pagratipika ng mga batas. Sa mga sesyon ng NPC at CPPCC, pinag-uusapan at pinagdedebatehan ang mahahalagang panukalang nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasulong ng ekonomiya, paglaban sa korupsyon, pagpuksa sa terorismo, pagpapabuti ng polisiyang panlabas sa mga kapit-bansa, pagpapabuti ng seguro para sa mga mamamayan, etc. Daan-daang mamamahayag mula sa ibat-ibang sulok ng daigdig ang dumadagsa tuwing idaraos ang nasabing mga sesyon upang isahimpapawid ang mga polisiyang ilalabas ng Tsina. Para sa linggong ito, tingnan naman natin kung ano ang masasabi o reaksyon ng mga media at eksperto hinggil sa mga hakbangin at direksyong tatahakin ng Tsina sa hinaharap.
Pulong ng CPPCC
Nagtatalumpati si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC
Nakatatayo sa silent tribute ang mga kagawad ng CPPCC sa mga biktima sa Teroristikong Insidente ng Kunming
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |