TCM massage para sa mga bata
Para sa ating episode ngayong gabi dalawang kuwento ang ating maririnig. Dalawang magkaibang kuwento, ngunit may-kinalaman pa rin sa pangangalaga sa kalusugan: ang isa ay sa pamamagitan ng Traditional Chinese Medicine (TCM) massage para sa mga bata, at ang isa pa ay kakaibang marathon na ginanap sa loob ng isang gusali sa Beijing. Hindi po kayo nagkamali ng dinig, dito po sa Beijing ginaganap na po ang marathon sa loob ng isang gusali sa business district ng lunsod. Paano ka n'yo? Stay tuned at tutok lang po sa DLYST.