|
||||||||
|
||
20140403ditorhio.m4a
|
Si Matt at kanyang bisikleta
Mga pengyou, ang kalagayan ng kalikasan, partikular, ang situwasyon ng polusyon sa hangin dito sa Tsina ay isa na ngayon sa pinakapinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan, mga ordinaryong mamamayan, mga non-government organization, at mga lokal at internasyonal na media. Nakakaalarma na kasi ang lebel ng polusyon sa hangin sa malalaking lunsod ng Tsina, na tulad ng Beijing, Shanghai, Guangzhou, etc.
Noong nakaraan ay nai-feature natin ang tungkol sa ginagawa at mga gagawin pa ng pamahalaang Tsino upang masolusyonan ang problemang ito. Para sa linggong ito, tingnan naman natin kung anu-ano ang ginagawa ng mga laowai o mga dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa Beijing upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa lunsod, at pataasin ang kamalayan ng mga tao sa isyung ito.
Ang bisikleta ni Matt
Hindi lang po iyan, sa episode na ito ay ihahatid din namin sa inyo ang mga pananaw ng isang mataas na opisyal ng United Nations hinggil sa green transformation ng Tsina, ang epekto nito sa mga international initiative, at paano tutulungan ng UN ang Tsina para maisulong ang isang environmentally-friendly economy.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |