|
||||||||
|
||
在这儿吃还是带走(zài zhèer chī hái shì dài zǒu)? Gusto mo bang kainin dito o iuwi?
请问(qǐng wèn),洗手间在哪儿(xǐ shǒu jiān zài nǎ er)?
20140618Aralin12Day2.mp3
|
Ngayon, pag-aaralan naman natin kung paano sabihin sa wikang Tsino ang "Gusto ba ninyong kainin dito o iuwi?"
在这儿吃还是带走(zài zhè er chī hái shì dài zǒu)?
在zài, pang-ukol na tumutukoy sa lokasyon.
这儿zhè er, dito.
吃chī, kumain.
还是hái shì, o.
带走dài zǒu, ibalot o iuwi.
Narito ang ikalawang usapan:
A:在这儿吃还是带走? Gusto mo bang kainin dito o iuwi?
B:在这儿吃。Kakainin ko dito.
Kapag nasa restawran, may isang mahalagang pangungusap na hindi maaring hindi pag-aralan ng sinuman, at ito ay ang pagsasabi ng "(Mawalang galang na), nasaan po ang CR?"
请问(qǐng wèn),洗手间在哪儿(xǐ shǒu jiān zài nǎ er)?
请qǐng,pakiusap, 问wen,magtanong,请问qǐng wèn, mawalang-galang na po,magalang na ekspresyon sa pagtatanong.
洗手间xǐ shǒu jiān, CR (comfort room). 洗xǐ, hugasan; 手shou,kamay;间jiān,bahay/kuwarto.
在哪儿zài nǎ er, nasaan o saan. 在zai, pang-ukol na tumutukoy sa lokasyon; 哪儿nǎ er:nasaan o saan.
Narito ang ikatlong usapan:
A:请问,洗手间在哪儿? (Mawalang-galang na), nasaan po ang CR?
B:往前走,左拐。Dumiretso ka, tapos lumiko ka sa kaliwa.
Ngayon, dumako na tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Ang konsepto ng makabagong fast food ay pumasok sa Tsina, nang ang Kentucky Fried Chicken ay magbukas ng sangay noong Abril ng taong 1987. Marahil, ito ay sa dahilang ang gawi sa pagkain ng mga Tsino ay iba sa gawi ng mga taga-Kanluran. Ang mga Tsino ay mahilig umorder ng maraming masasarap na putahe sa restawran at kumain nang magkakasama at magkuwentuhan habang kumakain. Sa kasalukuyan, sa mga malaki at katamtamang-laking lunsod ng Tsina, napakadaling maghanap ng KFC at Macdonald's. Marami ring makikitang mga fast food na Tsino na nagbibigay ng malaking ginhawa sa mga makabagong mamamayang laging nagmamadali sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |