|
||||||||
|
||
怎zěn么me了le? 你nǐ别bié再zài吸xī烟yān了le
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa araling ito, matututunan natin ang mga sumusunod na pangungusap:
怎zěn么me了le?Anong nangyari?
你nǐ别bié再zài吸xī烟yān了le。Huwag ka nang manigarilyo.
我wǒ很hěn想xiǎng家jiā。Labis akong nananabik sa aking pamilya.
Madalas na sinasabi ng mga Pilipino ang: "Anong nangyari?" kapag may napunang kakaiba sa isang tao, o kung sa tingin natin ay may problema sa isang bagay. Sa wikang Tsino, ito ay:
怎zěn么me了le?
怎zěn么me, paano o ano.
了le, katagang ginagamit sa dulo ng pangungusap na nagpapahiwatig ng pagbabago ng situwasyon.
Narito ang usapan:
A:怎么了?Anong nangyari?
B:我肚子疼。Masakit ang tiyan ko.
Kung isa sa mga kaibigan ninyo ay hindi maganda ang lagay ng loob nito lamang mga nakaraang araw. Ang lakas niyang manigarilyo. Gusto ninyong sanang himukin siyang itigil na ang paninigarilyo. Sa wikang Filipino, puwede ninyong sabihing "Huwag ka nang manigarilyo." Sa wikang Tsino, ito ay
你nǐ别bié再zài吸xī烟yān了le.
你nǐ, ka o ikaw.
别bié, huwag.
再zài, muli.
吸xī烟yān, manigarilyo.
了le, katagang panghimok na ginagamit sa dulo ng pangungusap.
Ang simuno ng pangungusap na 你nǐ ay maaring hindi na isama, kaya magiging 别bié再zài吸xī烟yān了le.
Narito ang klip ng ikalawang usapan:
A:你别再吸烟了。Huwag ka nang manigarilyo.
B:我知道有害健康。Alam ko, masama ito sa kalusugan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |