|
||||||||
|
||
喂wèi,刘liú经jīng理lǐ在zài家jiā吗ma?
20140512Aralin7Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Halikayo't samahan n'yo kami muli sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino.
Ang mga pangunahing pangungusap na matututunan natin sa linggong ito ay ang mga sumusunod:
喂wèi,刘liú经jīng理lǐ在zài家jiā吗ma?Helo! Nasa bahay ba si Manager Liu?
他tā什shén么me时shí候hòu回huí来lái?Kailan siya babalik?
请qǐng他tā给gěi我wǒ回huí个gè电diàn话huà。Pakisabi na tawagan ako.
Kung gusto ninyong tawagan sa bahay si Manager Liu para kausapin, sa wikang Tsino, maari ninyong sabihing:
喂wèi,刘liú经jīng理lǐ在zài家jiā吗ma?Helo! Nariyan ba si Manager Liu?
Tulad ng napag-aralan natin, ang 喂wèi ay helo. Kadalasang ito ang unang-unang sinasabi ng mga Tsino sa pagtawag at pagsagot sa telepono. Dito ang 喂wèi ay ginagamit sa pagtawag ng telepono. Sa 喂wèi, 请(qǐng)问(wèn)是(shì)哪(nǎ)位(wèi)? ang 喂wèi ay ginagamit sa pagsagot sa telepono.
刘liú, isang apelyido; 经jīng理lǐ, manager. 刘liú经jīng理lǐ, manager Liu.
Tulad ng sa在(zài)哪(nǎ)儿(er)见(jiàn)面(miàn)? ang在(zài) rito ay isang pang-ukol na tumutukoy sa lokasyon.
家jiā, bahay.
在zài家jiā, nasa bahay
Muli, ang 吗 ma rito ay nagpapahiwatig ng tanong.
Narito ang unang usapan:
A:喂wèi,刘liú经jīng理lǐ在zài家jiā吗ma?Helo! Nariyan ba si manager Liu?
B:他tā不bù在zài家jiā。Wala siya ngayon dito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |