|
||||||||
|
||
你最近忙吗(nǐ zuì jìn máng ma)?你的爱好是什么(nǐ de ài hào shì shén me)?
20140614Aralin11Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsali sa Pag-aaral ng Wikang Tsino. Noong nakaraan, ipinokus natin ang paksa hinggil sa trabaho. Sa araling ito, pagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay na ating pinagkakalibangan.:
你最近忙吗(nǐ zuì jìn máng ma)?Abala ka ba nitong mga araw na ito?
你的爱好是什么(nǐ de ài hào shì shén me)?Ano ang mga libangan mo?
我喜欢看书(wǒxǐhuankànshū)。Mahilig akong magbasa.
周末你一般干什么(zhōu mò nǐ yì bān gàn shén me)?Ano ang madalas mong gawin sa pagtatapos ng linggo?
Ang unang pangungusap ay "Abala ka ba nitong mga araw na ito?" Sa wikang Tsino, ito ay
你最近忙吗(nǐ zuì jìn máng ma)?
你 nǐ, ikaw o ka.
最近 zuì jìn, kamakailan.
忙máng, abala.
吗 ma, kataga na nagpapahiwatig na ang pangungusap ay isang tanong.
Narito po ang unang usapan:
A:你最近忙吗?Abala ka ba nitong mga araw na ito?
B:我很忙。Oo, abalang abala ako.
A:忙什么?Abala saan?
B:工作。Sa trabaho.
Kung napag-uusapan din ang mga libangan, ang pinakadirektang paraan ng pagtatanong dito ay: "Ano ang mga libangan mo?"
你的爱好是什么(nǐ de ài hào shì shén me)?
你的nǐ de, mo o iyo.
爱好ài hào, libangan.
是shì, salitang nagbibigay-diin.
什么shén me, ano.
Narito ang usapan bilang dalawa:
A:你的爱好是什么?Ano ang mga libangan mo?
B:我喜欢看书。你呢?你的爱好是什么?Mahilig akong magbasa. At ikaw? Ano ang mga libangan mo?
A:我喜欢旅游。Mahilig akong maglakbay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |