|
||||||||
|
||
20140619ditorhio.m4a
|
Ang Gaokao ang siya pong katumbas ng National College Entrance Examination (NCEE) ng Pilipinas. Ito po ay isinasagawa sa Tsina, taun-taon at para sa taong ito, isinagawa ito noong nakaraang linggo.
Tulad din sa Pilipinas, maraming estudyante mula sa mga mataas na paaralan dito sa Tsina ang puspusang nag-aral at nagsunog ng kilay upang makakuha ng mataas na grado. Ito kasi ang magdedetermina kung anong kurso at saang unibersidad makakapasok sa isang estudyante.
Sa gitna ng napakahigpit na kompetisyon sa pagkakaroon ng trabaho, ito rin ang magiging susi sa kinabukasan ng isang mag-aaral. Kaya naman, puspusang nagpupunyagi ang lahat upang makakuha ng mataas na grado rito.
Dito po sa Tsina, talaga pong napakahirap ng eksameng ito, at ito ay isa sa mga pinagmumulan ng sobrang presyur sa mga estudyante ng matataas na paaralan.
Pero, sa kabila niyan, alam po ba ninyo, na rito sa Gitnang Kaharian, ilang may-kapansanan ang kumuha at nakumpleto ang eksameng ito? Pakinggan po sa episode ngayong linggo ng DLYST ang kuwento ng ilang may kapansanan na nagpursige upang makumpleto ang eksameng ito.
Ang countdown ng Gaokao
Mga estudyanteng naghahanda para sa Gaokao
Selebrasyon pagkatapos ng Gaokao
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |