|
||||||||
|
||
20140626ditorhio.m4a
|
Kamakailan ay naging mainit na usap-usapan sa media sa buong mundo ang balitang iaalok di-umano ng ilang pribadong kompanyang pangkalawakan sa mga pribadong mamamayang may-kakayahang magbayad ang biyahe papunta sa kalawakan o outer space.
Dito sa Tsina, isang online shop ang nag-aalok na nito. Ayon sa online.thatsmags.com, isang kilalang online magazine sa Tsina, nag-aalok na ng biyaheng papunta sa kalawakan ang taobao.com, pinakamalaking online shop sa Tsina.
Ang presyo ng naturang biyahe ay nagsisimula sa halos US$100,000; ito ay mas mababa kumpara sa ibinebenta ng Virgin Galactic na pag-aari ng British billionaire na si Richard Branson, na nagkakahalaga ng US$250,000.
Ang nasabing alok ay inilunsad noong nakaraang linggo, at mahigit 300 katao agad ang nagparehistro. Ang proyektong ito ay inilunsad kasama ang Dutch space firm na Space Expedition Corp (SXC). Kasama sa basic package ng biyahe ang return flight sa Tsina, mula sa SXC spaceport sa Mojave, California, at 61 kilometrong paitaas na paglipad gamit ang isang rocket. Ito ay nagkakahalaga ng RMB599,999 yuan (US$96,600).
Dadalhin naman kayo ng premium package sa 100 kilometro mula sa lupa at ito ay nagkakahalaga ng RMB1.39 million (US$224,000). Ang biyahe ay tatagal ng 6 hanggang 7 minuto. Samantala, ang rocket na gagamitin ay isang two-seat, reusable, liquid rocket-powered spaceship. Ang sasakyang pangkalawakan na ito ay kasalukuyang idinidebelop ng XCOR Aerospace. Ang taobao.com, na may humigit-kumulang sa 80 milyong product listings ay pinatatakbo ng e-commerce giant Alibaba.
Biyahe na Papuntang Kalawakan
Si Chen Guangbiao
Si Ali Mihan
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |