|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Pagsasaka nangakong pabababain ang presyo ng bawang
MULA sa walang humpay na batikos sa pamahalaan sa 'di mapigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nangako si Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka na gagawin nila ang lahat upang mapababa ang presyo niyo. Nanawagan din siya sa mga mamamayan na bilhin ang bawang na mula sa Pilipinas.
Sa isang media briefing, sinabi ng kalihim na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patrikular ng bawang, kumilos kaagad ang pamahalaan upang mapigil ang pag-iimbak ng bawang ng ilang mga negosyante. Idinagdag pa ni G. Alcala na patuloy na sumisigla ang produksyon ng bawang sa bansa.
Umaasa si G. Alcala na tatatag ang presyo ng bawang sa buong bansa matapos matanggap ang mga rekomendasyon ng pribadong sector sa pamumuno ng Department of Trade and Industry. Naisumite na rin kay G. Alcala ang mga rekomendasyon ng National Garlic Action Team.
Papayagan pa rin ng pamahalaan ang pag-aangkat ng bawang subalit mahigpit na ipatutupad ang mga kautusan upang maiwasan ang pag-abuso ninoman.
Nakatakdang pasinayaan ni Kalihim Alcala ang isang onion-hangar storage sa Balyo, Pasuquin, Ilocos Norte bukas. Maglilingkod ang storage na ito sa may 1,000 ektaryang natatamnan sa Ilocos Region.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |