|
||||||||
|
||
Obispo, lumahok sa oposisyon sa isang proyekto
SUMAMA si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mga nananawagan na itigil ang isang proyekto na maglalagay sa panganib sa water supply ng buong lalawigan.
Ayon kay Ochie Tolentino, isa sa mga kawani ng Ecology Ministry, binabantayan ni Bishop Reynaldo Evangelista ang kontrobersyal na proyekto ng PTK2 H2O Corporation at nakababatid sa mga problemang kinakahatap ng lalawigan sa panukalang water intake and filtration system.
Nang mabatid ng obispo ang mga paglabag sa nagawa ng mga nasa likod ng proyekto, nakumbinse si Bishop Evangelista na hadlangan ang proyekto. Suportado niya ang "Writ of Kalikasan" na ipinarating ng mga mamamayan at ngayo'y kinabibilangan na ng iba't ibang sektor.
Naghahanda rin ang Simbahan na magparating ng hiwalay na petisyon para sa Writ of Kalikasan upang hadlangan ang proyekto.
Layunin ng water system na nakapagbigay ng may 10,000 metro kubiko ng tubig na maiinom sa mga commercial establishments ng Tagaytay City tulad ng mga hotel at real estate projects sa loob ng 20 taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |