|
||||||||
|
||
Mga banyagang mamamahayag, nanawagan sa Pamahalaan ng Ehipto: Palayain ang mga mamamahayag
NANAWAGAN ang mga pinuno at kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Pamahalaan ng Ehipto na palayain ang mga mamamahayag na unang hinatulan ng pagkakabilanggo kahapon.
Nakikiisa ang FoCAP sa mga press freedom advocates at mga kasamang mamamahayag sa buong daigdig sa pagkondena sa pagpaparusa sa tatlong mamamahayag ng kabilang sa Al Jazeera news agency.
Magugunitang hinatulan sa Peter Greste ng Australia, ang Egyptian-Canadian na si Mohamed Fadel Fahmy na mabilanggo ng pitong taon bawat isa samantalang ang Egyptian producer na si Baher Mohamed ay ginawaran ng pagkakabilanggo ng aabot sa 10 taon.
Naniniwala ang FoCAP na ang pagpaparusa sa mga kawani ng Al Jazeera ay magdudulot ng pangamba sa mga manggagawa sa media sa buong daigdig sa kanilang pagpapahalaga sa kalayaan ng pamamahayag. Matagal nang pinahahalagahan ng FoCAP ang "Freedom of the Press" sa anumang lahi, paniniwala at geographic circumstance.
Itinatag ang FoCAP noong dekada sitenta bilang tagapagbantay ng kalayaan ng pamamahayag sa kainitan ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Ang FoCAP ay binubuo ng mga mamamahayag mula sa Agence France-Press (AFP), Associated Press (AP), Al Jazeera, Reuters, CNN, BBC, Bloomberg, Voice of America, China Radio International, CCTV, China News Service, Deutsche Press Agentur Dow Jones, NHK, Nikkei, Asahi Shimbun, Channel New Asia, CBS News, Daily Manila Shimbun, Financial Times, European Press Photo Agency (EPA), Fuji TV, Kyodo News, Getty Images, Gulf News, Guangming Daily, IHT, Jiji Press, New York Times, Phoenix TV HK, South China Morning Post, Straits Times, The Wall Stree Journal, Tokyo Broadcasting System, TV Asahi, UCAN, Xinhua News at Yazhou Zhoukan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |