|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, humingi ng tulong sa Malaysia
PINAG-AARALAN na ng Malaysia ang kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas na tulungan ang may 30,000 undocumented na kabataang Filipino sa Northern Borneo na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Sa isang pahayag ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, sinabing nakausap ni Vice President Jejomar C. Binay si Malaysia Deputy Prime Minister at Minister for Education Tan Sri Dato Muhyiddin bin Yassin at pinag-usapan ang mga paksang may kinalaman sa kalakalan, investments at paglagda sa Memorandum of Understanding sa larangan ng edukasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pulong, hiniling ni G. Binay ang tulong ng Malaysia sa paghahahanp ng epektibong paraan upang matugunan ang kawalan ng access sa edukasyon ng mga walang kaukulang dokumentong mga kabataan sa North Borneo.
Sa ngayon, ang embahada at Filipino community sa North Borneo ang nagbibigay ng mga oprtunidad sa undocumented children na magtutong magbasa, magsulat at magbilang sa alternative learning centers.
Dumalaw sa Malaysia si Pangalawang Pangulong Binay para sa pagpapasinaya ng World Scout Bureau Office sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang National President ng Boy Scouts of the Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |