Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kanta ng Old Shanghai

(GMT+08:00) 2014-07-01 15:10:12       CRI

Mga kaibigan, alam po ba niyo ang phonograph at long-playing record o LP? Sila ang antigo ngayon, at ginugustuhan ng maraming collector. Ang phonograph at LP ay inirekord ang kasaysayan sa paraan ng tinig. Para sa mga kasalukuyang tao, inirekord ng mga ito ang mga classical; para sa mga tao noong ika-2 hanggang ika-3 dekada ng ika-20 siglo ng Tsina, nangangahulugan itong luho.

Noong ika-2 hanggang ika-3 dekada ng ika-20 siglo, masagana ang Shanghai, isang malaki at mahalagang lunsod ng Tsina. Ito ang malayang port at lunsod na tinagpuan ang kultura ng kanluran at silangan. Noong panahong iyon, hindi naganap ang World War II, ang Shanghai ay pinakakomersyal at modernong lunsod. Marami ang mga mangangalakal at artista roon.

Noong panahong iyon, tinatawag ang Shanghai na "East Paris." Ito ang paradise ng mga adventurer ng kanluran, at sentro ng entertainment ng silangan. Palagiang maningning ang gabi ng Shanghai dahil sa mga ball hall.

Ang kantang "Rose, Rose I love you" ay isang napakapopular na kanta sa mga ball hall. Noong ika-2 hanggang ika-3 dekada ng nagdaang siglo, marami ang ball hall, at masigla ang industriya ng sine, kaya nagdulot ito ng maraming mang-aawit at film stars.

Pagdating ng star, isasalaysay namin sa inyo ang golden voice na si Zhou Xuan. Sa simula, si Zhou Xuan ay sumayaw sa ball hall, tapos, dumalo siya sa singing contest at naging kilala mula roon, itinuturing siya na "nasa unang puwesto sa top 10 singer ng Shanghai." Hindi lamang maganda ang awit ni ni Zhou Xuan, kundi gumanap siya sa maraming sine. Ang kanyang kasuotan at hair style sa mga poster ay nagsilbing modelo ng mga babae ng Shanghai.

Ang "Wandering Songstress" ay soundtrack ng isang pelikula ni Zhou Xuan. Binago at inawit din ito ng mga modernong mang-aawit. Mayroon din ibang bersyon ang kantang "Rose, Rose I love you." Ito ang estilo ng Jazz at iniawit ni Joanna Wang, isang mang-aawit na babae taga-Taiwan.

Noong unang dako ng nagdaang siglo, dahil nandoon sa Shanghai ang mga konsesyon ng Britanya, Pransiya, Amerika, at iba pang bansa, ang Shanghai ay may estilong dayuhan. Ngunit, ang pinakapopular na kasuotan ng mga babae roon ay ang chi-pao or cheong-sam. Ang chi-pao ay tipikal na kasuotan ng mga babae Tsino. Ang kasalukuyang chi-pao ay binago mula sa mga chi-pao ng Shanghai noong panahong iyon.

Noong 1935, nagpakamatay ang 25 taong gulang na babae na si Ruan Lingyu. Siya ang itinuturing na pinakamagandang babaeng Tsino kapag nakasuot ng chi-pao. Tulad ni Marilyn Monroe, ang suicide ni Ruan ay big story noon. Hanggang ngayon, hindi namin alam ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. Salamat sa mga sine at phonograph, puwede makita at marinig ang kanyang magandang hitsura at boses.

Salamat sa phonograph, inirekord ang maraming magandang bagay na hindi mawawala kasabay ng paglipas ng oras. Kapag naririnig ito, parang bumalik tayo sa mga nakalipas na panahon.

Ang phonograph

1 2
May Kinalamang Babasahin
maarte
v Si Li Yugang 2014-06-24 10:47:20
v Shaanxi Folk Song 2014-06-11 18:20:16
v Mga Pop Singer ng Minoryang Yi 2014-05-30 13:31:08
v Sani folk song at kuwento ni Ashima 2014-05-23 16:19:42
v Makabagong Folk Song ng Beijing 2014-04-30 15:57:28
maarte
v Si Li Yugang 2014-06-24 10:47:20
v Shaanxi Folk Song 2014-06-11 18:04:31
v Mga Pop Singer ng Minoryang Yi 2014-05-30 13:31:08
v Sani folk song at kuwento ni Ashima 2014-05-23 16:19:42
v Makabagong Folk Song ng Beijing 2014-04-30 15:57:28
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>