|
||||||||
|
||
20140701Meloreport.mp3
|
DEKLARADO ng Korte Suprema ang ilang probisyon sa paglalabas ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na taliwas sa Saligang Batas ng 1987. Nagkaisa ang mga mahistrado na pawalang-saysay ang ilang mahahalagang bahagi ng palatuntunan sa pagpapalabas ng salapi ng bayan.
Sa isang press briefing, sinabi ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, ipinaliwanag niyang sa pagtitipon ng mga mahistrado sa isang en banc session kanina, naideklara ang ilang pagkilos at gawi sa ilalim ng DAP ang maituturing na unsconstitutional tulad ng paglalabas ng unobligated allotments mula sa mga ahensya ng pamahalaan, ang deklarasyon ng withdrawn unobligated allotments at unreleased appropriation bilang savings bago pa man matapos ang fiscal year at ang hindi pagsunod sa statutory definition ng savings na napapaloob sa General Appropriations Act.
Kabilang din sa deklaradong illegal ang paglilipat ng savings ng executive department upang dagdagan ang appropriations ng ibang tanggapang nasa labas ng executive department.
Ang pagpopondo ng mga proyekto, activities at mga programang hindi saklaw ng anumang appropriation sa General Appropriations Act.
Ayon kay Atty. Te, ang mga gawaing ito ay lumalabag sa Section 25 paragraph 5 ng Article VI ng Saligang Batas at sa doktrina ng separation of powers.
Siyam na petiston ang ipinarating sa Korte Suprema na nagtatanong ng legalidad ng DAP, ang discretionary fund na lumabas sa headlines matapos ilabaas ni Senador Jinggoy Estrada na ilang senador ang tumanggap ng P 50 milyon hanggang P 100 milyon matapos mapatalsik si Chief Justice Renato Corona ng Senate impeachment court.
Sinabi ni Atty. Te na ang dispositive portion ng desisyon ay 'di naglalaman ng anumang pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaang sangkot sa DAP.
Sinabi naman ni Atty. Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na hihintayin nila ang buong desisyon bago magpahayag ng anuman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |