|
||||||||
|
||
Desisyon ng Korte Suprema, ikinatuwa ni Senador Santiago
ANG Disbursement Acceleration Program (DAP) na tangan ng Malacanang ay isang paraan ng pag-aalis ng "power of the purse" sa legislature. Ito ang pahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa desisyon ng Korte Suprema sa nagsabing taliwas sa Saligang Batas.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na matagal na niyang inaasahan ang desisyong ito, ilang buwan na ang nakalilipas, kahit hindi pa nagdedesisyon ang mga mahistrado.
Illegal ang DAP sapagkat wala ito sa 2011 at 2012 budget at ang mga sinasabing savings ay ginamit upang dagdagan ang bagong budget items na hindi autorisado ng Kongreso.
Ipinaliwanag pa ni Santiago na ang DAP ay lumalabag sa constitutional provision na nagsasabing walang anumang batas ang maipapasa na mag-aautorisa ng paglilipat ng appropriations kahit pa maaaring pahintulutan ang Pangulo ayon sa batas, na dagdagan ang alin mang nilalaman sa general appropriations law apra sa mga tanggapan mula sa saving s sa ibang items ayon sa kanilang sariling appropriations.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |