|
||||||||
|
||
Dating pinuno ng TRC, humiling na pawalang saysay ang demanda laban sa kanya
HINILING ni Antonio Ortiz, dating Director General ng Technological Resource Center sa Sandiganbayan First Division na pawalang-saysay ang mga usapin laban sa kanya at pawalang-bisa ang mandamiento de arresto laban sa kanya.
Si Ortiz ay inakusahan ng pitong usapin ng graft. Ang apat sa mga ito ay bilang kapwa akusado ni Senador Ramon Revilla Jr na nahaharap sa plunder at graft sa First Division.
Si Ortiz ay nahaharap din sa isang count ng graft bilang kapwa akusado ni Senador Jinggoy Estrada sa Fifth Division at dalawang counts bilang kapwa akusado ni Senador Juan Ponce Enrile sa Third Division.
Isa isang kahilingang ipinarating sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, sinabi ni Ortiz sa First Division na halos walang katuturan ang mga demanda at nilabag ang kanyang karaptan sa preliminary investigation.
Sa kanyang kahilingan, ang mga datos sa impormasyon sa mga usapin ay hindi masasabing paglabag sa anumang batas. Napakalabo at halos walang katuturan ang mga ipinagsumbong laban sa kanya.
Idinagdag pa ng kanyang mga abogado na paglabag ito sa kanyang constitutional rights.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |