|
||||||||
|
||
Hilaw ang impormasyon hinggil sa bomb maker sa Davao
"RAW INFORMATION" ang pinagmulan ng balitang nagtaas ng alert level sa Davao City noong Sabado. Unang lumabas na mayroong isang teroristang nagbabalak maghasik ng lagim sa Davao City.
Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino sa isang news conference sa pagdiriwang ng Philippine Air Force anniversary sa Pampanga. Sinabi ni Pangulong Aquino na ipinasa niya kay Mayor Duterte ang isang raw report at nais lamang niyang mabigyan ng lahat ng mahahalagang impormasyon upang makapaghanda ang Davao City.
Ayon sa ulat, isang terroristang dalubhasa sa paggawa ng bomba o isang may bombang sasakyan sa Davao City upang isulong ang isang terrorist attack,
Ang alkalde ng Davao bilang pinuno ng Peace and Order Council ay nararapat makabatid ng mahahalagang impormasyon upang maihanda ang kanyang komunidad.
Nabanggit ni Mayor Rodrigo Duterte na nasa heightened alert ang Davao City dahilan sa babala ni Pangulong Aquino. Inaaalam pa umano ng pulisya at military ang katotohanan sa raw information.
Seryoso nilang pinahahalagahan ang anumang peligro, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |