|
||||||||
|
||
Dagdag na sahod para sa mga manggagawa ng pamahalaan, hiniling
NANAWAGAN si Senate President Franklin M. Drilon sa Department of Budget and Management na gumawa na kaukulang hakbang upang magsagawa ng pagbabalik-aral sa sahod ng mga kawani ng pamahalaan para maisama sa 2015 national budget. Hindi kasama sa sasailalim sa pagsusuri ang sahod ng mga pulis at kawal.
Sinabi ni Senador Drilon na ang pag-aaral ay kailangan upang maitaas ang katayuan sa buhay ng mga kawani ng pamahalaan.
Hiniling na umano niya sa Department of Budget and Management na madaliin ang pagsusuri upang magkaroon ng bagong bersyon sa Salary Standarization law at maisasama sa kailangang salapi sa 2015 national expenditures program na sasang-ayunan bago matapos ang taong 2014. Madarama at mapakikinabangan na rin ito sa pinakamadaling panahon, dagdag pa ng pangulo ng senado.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |