|
||||||||
|
||
Kampo ng Abu Sayyaf, nakubkob ng Philippine Marines
NAPASOK ng Philippine Marines ang isang kampo ng Abu Sayyaf Group matapos ang mainitang sagupaan sa kabundukan ng Sulu. Batay sa isang pahayag ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, napasok ng Philippine Marines ang kuta ni Radullan Sahiron sa Patikul, Sulu.
Si Sahiron ay sinasabing senior leader ng grupo na mayroong pabuyang US $ 1 milyon sa kanyang pagkakadakip.
Ayon kay Brig. General Martin Pinto, Second Marine Brigade Commander, na napasok ang kuta mga ikatlo ng hapon noong Lunes. May mga lungga at magagandang posisyon at daan-daang Improvised Explosive Devices na nakalagay sa mga daraanan. Umatras ang mga Abu Sayyaf mula sa kanilang pinagkukutaan.
Tuloy pa rin ang clearing operations sa loob at labas ng kampo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |